(Mahal ko rin ang kamay ko.) Sa hapon sa pizzeriang Yami sa Isla Lulu, nakita ko muli yaong guwapong mestisong nagpapasta sa isang sulok sa ilalim ng telebisyong ang palabas ay si William Shatner na bisita sa Kelly Clarkson Show na may kaarawang keyk doon. Yaong mestiso sa pizzeria ay kalahating Amerindiyo raw, sabi ng isang puti, pero ang sabi ng mestiso mismo sa akin noong ilang buwan na ang nakalipas ay kalahating Tsino raw siya. Makapal at itim na mahaba ang buhok niya, at may balbas siya. Malapad ang katawan ng mestisong iyon. Mabalahibo. Gusto kong tawagin siyang "Vincent," dahil di ko alam ang tunay na pangalan niya.
Ekster la picejo Jami, apud la drinkejo, fumas barbohava ruĝharulo. Mi supozas, ke ne nur lia kapo havas ruĝan haron.
No comments:
Post a Comment