Kaninang umaga sa Istarbak, pinag-usapan namin ni Greg ang mga isport: Sabi ko kay Greg na sabi ng manedyer ko sa Hapong bago pa nang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang beysbol sumikat na sa Hapon. Akala ni Greg na ang soccer ang pinakasikat sa Tsina. Di namin pinag-usapan ang ping-pong. Alam naming mga martial arts ang popular sa Oryente, katulad ng kung fu at karate. Nabanggit namin si Bruce Lee. Tuwang-tuwa kami ni Greg sa arnis ng Pilipino. Alam naming basketbol sa Pilipinas ang pinakasikat. Nagiging popular na rin sa Hapon ang ice hockey. Mayroon sa bahay naming dating estudyanteng Hapones na nag-aaral ng Ingles dito sa Isla Lulu, at mahilig siya sa ice hockey. Sabi ko kay Greg na nag-aral kami nang mga bata ng karate sa Pilipinas. Mukhang Koreano o Hapones ang muskuladong guro, pero Pilipino yata siya.
No comments:
Post a Comment