Thursday, March 21, 2024

Matcha at Istroberi

Sa hapon sa Istarbak, naroon kami ni Greg na Pilipinong nakaupo sa mga matataas na silya sa bar. Umiinom siya sa isang kahon ng alkalinang ispring na tubig na may esensiya ng rosas at istrobering ang marka ay Flow. May binigay siya sa aking mga tsip na tinuyong mansanas. May malamig na latte ako ng berdeng matcha at istroberi. Punong-puno nang tao sa kapihan. Pinag-usapan namin tungkol sa mga dating trabahador sa Istarbak: May mga Mehikano, at may mga mestisong may lahing Amerindiyong Taga-Albertang tribung Cree. Pinag-usapan din namin ang akupungktura. Medyo inaantok sa hapon si Greg, kaya umuwi na para magsiyesta. Dinala ko ang latte ko sa pizzeriang Yami para magpizza ako roong karne. Ang daming tao sa kapihan.

No comments:

Post a Comment