Friday, March 22, 2024

Gastown

Sa umaga ngayon, nasa pizzeriang Yami ako para uminom ng pangdiyetang kola at kumain ng pepperoning pizza. Naroon ang tinderong Indiyanong si Sachet at ang may-aring Srilangkanong si Tharsan. Sa likod na radyo ay ang musikang alternatibong rock. Tapos, pumunta ako sa kapihang Istarbak dito sa Isla Lulu. Dumating si Greg na Pilipino. May barista roon ngayong magandang Taga-Ethiopiang ang pangalan ay Lydia. Naghuntahan kami ni Greg sa isang mesang katabi ng banyo. May kape at Danish si Greg. At binigyan niya ako ng mga tsip na tinuyong mansanas. May malaking itim na kape akong mayelo. Pinag-usapan namin tungkol sa mga wika: Sabi kong pagkatapos ko nang hayskul, Hapones, Kastila, at Pranses ang kinuha ko. Si Greg naman ay may isang kurso ng Kastila sa kolehiyo sa Pilipinas. Pinag-usapan namin ang mga relihiyon sa Aprika: May mga Muslim, Kristiyano, at Animista, at itong huli ang orihinal. Sabi kong binasa ko ang istorya, at pinupuwersa ang mga Animistang maging mga Kristiyano o Muslim doon. May mga Animista pa sa Pilipinas sa mga kabundukan. Tapos, pinag-usapan naming maraming itim na sa Sweden at Portugal. Sabi kong maganda at antigo ang nabisita kong Lisbon, at ang mga trabahador sa mga hotel ay galing Aprika. Sabi kong ang Quebec at ang Louisiana ay may mga magkahawig na gusaling maraming balkonahe. Dito sa Bangkuber, sa Gastown, may mga antigong gusali at kalye. Sabi ko kay Greg na ang Europa ay parang malaking-malaking Gastown. Gastown ang buong kontinente. Dumalaw si Noah sa Istarbak, ang dating Mehikanong barista roon, at nagkapeng palabas.

No comments:

Post a Comment