Tuesday, March 19, 2024

Si Jiro sa Pizzeria

Nakita ko muli sa umaga si Jiro sa pizzeria. Siya yaong Hapones na pinanganak sa Bangkuber. Akala kong Amerindiyo siya. Pinag-usapan naming ang Hapon ay parang kasing laki lamang ng BC o California. Pinag-usapan namin ang dating malaking Imperyong may Manchuria, Korea, Taiwan, at Pasipiko. Sabi ko sa kanyang batang babae ang nanay ko sa Pilipinas nang gera, at nililigawan siya ng Hapones na sundalong binibigyan siya ng laruan. Sabi ng sundalong kakasalin daw niya siya pagbalik niyang Pilipinas nang paglaki nang nanay. Ang Lolo Mac ko namang natatandaang itinuturo na raw ang lengguwaheng Hapones sa eskuwela noong dekadang 1940 sa Pilipinas. Taga-Hiroshima raw si Jiro. Tinanong ko si Jiro kung bakit wala nang radyasyon sa Hiroshimang naging malaking siyudad na ngayon. Hinukay daw doon. Sang-ayon kami ni Jirong masarap ang buhay sa Hapon dahil ng baryedad ng pagkain. Pag-uwi ko sa daan sa parkeng eskinita, nakita ko ang puting si Gay-Marie. Sabi niyang unang araw daw ng tagsibol ngayon. Bughaw ang langit dito sa Isla Lulu. Nasa arawan sa balkonahe ang kapitbahay na Griyegang Tsipreng si Nikki.

No comments:

Post a Comment