Ang wika ang gusto kong pag-usapan. Ang mga sinograma ng Silangang Asya ay resulto ng libu-libong taon ng organikong ebolusyon. Ang isang motibasyon kung bakit hindi ang ilang mga Oryental pumalit sa alpabeto ay dahil masyadong maraming homonym, at ang sinograma ay nakakatulong ibahin ang mga homonym sa sulat. May dependensiya ang Tsino at Hapones sa sinograma, pero menos ang Koreanong madalas gamitin ang ponogramang Hangeul nila. Ang mga lengguwaheng iniisip ko ngayon ay ang prototipong Vling, Lojban, Tagalog, Hapones, at prototipong Xoqolat dahil wala silang obligatoryong panahunan ng mga pandiwa. Ang mga panahunan at aspeto sa mga itong wika ay opsiyonal. Sa prototipong Xoqolat, ginamit ko ang bokabularyo ng Interlingua, pero puwede rin ang ibang Latino o panibagong Latino. Kaya talagang prototipo siya. Ang Vling ko rin ay talagang prototipo, at puwede pang ibahin sana ang ponolohiya at dagdagan ng mga panahunan, aspeto, modo, at ebidensiyal—ang TAME sa Ingles—"tense, aspect, mood, and evidential." Ang prototipong Weena ko naman ay bonsai ng parang Hapones na pinakaunti ang mga sinogramang may komplementaryo ng mga ponograma. Sa isip ko, mas mahirap iimplementa ang Weena sa magiging kompleto. Narangha ang Vling, lila ang Lojban, itim o kulay-abo ang Tagalog, pula ang Hapones, kulay-tsokolate ang Xoqolat, at baka pula rin ang Weena. Ang paggawa ng mga wikang guniguni ay "conlanging" sa Ingles.
No comments:
Post a Comment