Tuesday, February 7, 2023

Ilaw-ilaw II

Nitong mga alas dos nang tanghali nang ika-7 ng Pebrero ng 2023, nakita ko si Michael na Danes-Pranses muli sa eskinita sa tabi ng dupleksong bahay ng mga Taga-Uganda rito sa Isla Lulu. Napag-usapan namin muli ang mga UFO. Nakita namin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa tabi ng bahay ngayon. Parang mukha at mga heometrikong korte. Hindi namin alam kung saan nanggagaling. Nilitratuhan ni Michael iyon at noong parehong penomeno nang ika-30 ng Enero ng 2023. Sabi niyang ire-report daw niya sa isang lipunang siyentipiko.

No comments:

Post a Comment