Sunday, February 5, 2023

Ilaw-ilaw

Nakita ko sa pizzeria si Lola Joey nitong hapon nang ika-5 ng Pebrero ng 2023.  Madalas daw siyang mag-order ng apat o limang slices ng pizza.  Mag-isa siya sa kanyang malaking bahay.  Mga otsenta na raw siya.  Olandesa siya.

Sa tsaahan, may bagong baristang Ehiptano ang lahi, pero sa Canada siya pinanganak.  Ola ang pangalan.  Sabi ko'y nagpasyal ako sa Cairo at patimog nang Nilo hanggang Aswan.  Pinakamagandang biyahe ang Ehipto ang sabi ko kay Ola.

Sa eskinita sa pook ko, nakita ko si Michael na Danes-Pranses.  Pinag-usapan namin ang mga UFO.  May nakita raw siyang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa eskinita noong ika-30 ng Enero nitong 2023.  Di niya raw alam kung ano yaong penomeno.

No comments:

Post a Comment