Friday, February 24, 2023

Grecoide ang Obra Maestra

Nitong tanghali nang ika-24 ng Pebrero ng 2023, nagtsat kami sa Sapot ni Mharjie, pagkatapos ko lamang kakakain ng kielbasa, kanin, at atsara sa bahay. Nagkape. Pinaliwanag ko ang arte kong ginagawa gamit ang Artipisyal na Intelihensiya. Pinakita ko ang obra maestra kong "Grecoide" ang titulo. Tapos, pinag-usapan namin ang anime ng Hapon. Nilista ko ang mga paborito ko. Ako, sa tunog ng Hapones nanunuod. Si Mharjie rin, sa Hapones nanunuod, at may subtitulong Ingles. Sang-ayon kaming maganda ang tunog ng Hapones. Parang "tsitsaron" ang sabi ko. Malutong.

No comments:

Post a Comment