Sunday, February 12, 2023

Si Sager at si Lola

Nitong maambong umaga ng linggo nang ika-12 ng Pebrero ng 2023, umiinom ako ng mayelong itim na tsaa at kumakain ng kanelang kapeng keyk sa tsaahan. Binabasa ko roon ang isang siyensiyang piksiyong libro sa Portuges na O Planeta dos Dragões ni Anne McCaffrey. Hinihintay ko ang Pilipino kong kaibigang si Greg na pilosopong hindi na sumisipot. Nakita kong pumasok si Sager na mukhang Italyanong Panjabi at si Lola, yaong Taga-Tsinang marunong ng pilosopiya. Mandarin ang salita niya. Nakalimutan ko ang pangalan ni Sager dahil matagal na. Akala ko'y "Ragjit" o parang ganoon. Sayang. Pauwi kong lakad, tumigil ako sa tindahan at bumili ng isang malaking pulang kahon ng mga mangkok ng Koreanong pansit para sa kimching sopas na markang Paldo.

No comments:

Post a Comment