Ang "warabi mochi" ay himagas na mochikong nakababad sa tostadong polbo ng soya.
Ang "anmitsu" ng Hapones ay haluhalo nila.
Ang "furuutsu sando" ng Hapones ay sanwits na may krema at prutas sa loob tulad ng kiwi, istroberi, o saging.
Ang "sakura mochi" ay kulay-rosas na bolang mochikong may minatamis na munggo sa loob at nakabalot sa atsarang dahon ng sereso.
Ang "yōkan" ng Hapones ay himagas na gawa mula sa minatamis na munggo.
Ang "daifuku" ng Hapones ay bolang mochikong may minatamis na munggo sa loob o kung minsang may prutas tulad ng istroberi.
Ang "kappa" ng Hapones ay mga mitikong nilalang na berde ang balat at may parang talukab ng pagong sa likod.
Ang "daigaku imo" o "unibersidad na kamote" ng Hapones ay kending kamote.
Ang "dorayaki " ng Hapones ay dalawang pankeyk na may minatamis na munggo sa gitna.
Ang "manjū" ay hopya ng Hapones.
Ang "mushi pan" sa Hapones ay tinapay na pinasingaw.
Ang "meron pan" sa Hapones ay tinapay na melon.
Ang "taiyaki" ng Hapones ay parang tinapay sa korte ng isda at may lamang minatamis na munggo, o tsokolate, o masa ng kamote, o iba pa.
Ang "yakitori" ng Hapones ay tinuhog na manok.
Ang "Sakura Keeki" ng Hapones ay isang klaseng keyk na may bulaklak ng sereso.
Ang "Satsuma Imo Keeki" sa Hapones ay isang klaseng kamoteng keyk.
Ang "yakiimo" ay Hapones para sa inihurnong kamote.
No comments:
Post a Comment