Friday, February 10, 2023

Mestiso

Nitong magandang hapon nang ika-10 ng Pebrero ng 2023, nasa pizzeria ako. Nakita ko ang isang regular na kostumer na may itsurang maputi ang balat at itim ang buhok at balbas. Matagal ko nang gustong tanungin siya: "Ekskyus mi. Parteng Amerindiyo ka ba?" "Hindi. Kalahating Intsik ako," sabi niya. "Oh!" ang gulat ko. Umupo ako sa mesa ko. Bumalik ako sa kanyang kumakain ng pizza: "Akala ko'y ikaw ay yaong tawag nilang Métis..." Mestiso talaga siya. Sa ugali niya, akala kong Métis siya nang Amerindiyo. Alam kong gusto niya ang Tagalog at ibang wika. Pabalik kong lakad galing sa pizzeria, nakita ko si Joanne na nakapula at si Rod na nakaitim. Sabi ko, "Malapit na ang tagsibol." Mahilig silang magkamping. Pinaaayos daw nila ang sahig ng treyler nila. Sa tagsibol, pupunta raw sila sa Alice Lake dito sa BC.

No comments:

Post a Comment