Wednesday, February 22, 2023
Alemanya
May mahiwagang panaginip ako nitong umaga nang ika-22 ng Pebrero ng 2023. Bigla akong umalis nang bahay at nag-eroplano papuntang Alemanya. Nakalimutan ko ang pasaporte ko. May dala naman akong bag na kulay-abo. Sa loob ng eroplano, may mga malaking kama para tulugan ng mga tao. May mga Hispaniko akong kaabay. Nasa Alemanya na ako, sa isang siyudad. Sa resepsiyon sa erport, sabi ng ale'y may mga Muslim na repyudyi raw doon. Parang sinasabi niyang puwede akong sumama sa kanila. Kinakabahan ako at umuwi na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment