Monday, August 29, 2022

Si Greg at ang Animismo

Marami kaming pinag-usapan ni Greg nitong ika-29 ng Agosto ng 2022 nang umaga sa Isla Lulung kapihan.  Nagkape si Greg, at ako ay nagtsaang itim na mayelo at nagpapkorn.  Nagtagalog kami, at dati kaming nag-ingles.  Sa relihiyon, binibigyang diin ni Greg na ang pinakaunang relihiyon ay Hudaismo, pero ang sabi ko naman ay Animismo iyon.  Galing sa Animismo ang Hudaismo, ang sabi ko.  Ang Shinto ng Hapon at Daoismo ng Tsina ay mga Animismo. Sa Budismo, ang mga diyos ay parte ng mas malawak na ekolohiyang kasama na ang mga hayop, halaman, demonyo, multo, tao, at iba pa.  Pinag-usapan namin ang mga kasino sa Macau at Shanghai sa Tsina.  Sa mga multibilyonaryo, sabi kong hanga ako kay Elon Musk dahil sa bisyon niya tungkol sa espasyo.

No comments:

Post a Comment