Natagpo ko si Hans na Olandes sa kapihan sa Isla Lulu nitong tanghali nang ika-9 ng Setyembre ng 2022. Nagkakape siya at ako ay nagtsatsaang itim na mayelo. Imigrante siya dati mula sa Olanda nang matagal na. Sabi ko sa kanyang imigrante dati ang pamilya ko sa Canada galing Pilipinas mula noong 1976. Ang mga unang atraksiyong pinuntahan namin sa Bangkuber ay ang malaking Parke ni Stanley at ang Parke ni Reyna Isabel na may transparenteng simboryo ng mga tropikal na halaman. Marami nang mga imigrante sa BC mula sa Hong Kong ngayon. Sabi ko kay Hans na hindi sila sanay sa Kalikasan dahil nakaapartment sila sa Hong Kong nang ilang henerasyon. Sa Pilipinas, noong pinag-aaralan ng tatay ko ang impormasyon sa imigrasyon, kinuha ko sa kanya ang maliit na librong maputlang lilang may mapa ng Awstralya sa harapan. Napuna kong mukhang jelly bean ang korte ng bansang iyon ang sabi ko kay Hans.
No comments:
Post a Comment