Monday, September 26, 2022

Ang Pulang Planeta

Bago pa mag-alas otso nang umaga ng ika-26 ng Setyembre ng 2022, sa Isla Lulung kapihan, nagbabasa ako ng Portuges na siyensiyang piksiyong librong O Planeta Vermelho ni Robert Heinlein.  Tinanong ako ng isang puting lalaking nag-ahit ng ulo at nakaasul na panglamig kung ano ang binabasa ko.  Yaong libro nga ay Red Planet sa Ingles na binasa ko na noong bata pa ako, sabi ko sa kanya, at ngayon ay sa Portuges ko binabasa.  Binabasa ko nang malakas sa punto kong Carioca, ang diyalekto ng Rio de Janeiro.

No comments:

Post a Comment