Saturday, September 10, 2022

Ang Pamilya at ang Buwan

Nitong umaga nang ika-10 ng Setyembre ng 2022, nagkape si Greg, at nagtsaang itim na mayelo at nagtsips na mansanas ako, sa kapihan sa Isla Lulu.  Pinag-usapan namin ang pamilya.  May sariling pamilya si Greg.  Sabi ko sa kanyang nasanay na akong magsariling parang monghe sa buhay.  Sabi kong hindi ko gustong mag-ingles sa aking sariling pamilya kung magkaroon.  Binanggit ko ang Esperanto, wikang inimbento ng isang Hudyo noong ika-19 na siglo.  At ginagamit ngayon ito ng ilan para maghanap ng asawa nilang internasyonal.  Sabi kong marunong ako ng Hapon, at nag-aral ako sa kursong gabi ng Mandarin at Kantones nang ilang linggo.  Tapos, pinag-usapan namin ni Greg ang mataas na ambisyon ni multibilyonaryong Elon Musk para maging kolonya ang planetang Marte.  Kami ni Greg ay sang-ayong ang priyoridad dapat ay maging kolonya ng tao ang Buwan muna dahil mas malapit talaga kaysa sa Marte.  Alam ni Greg na hanga nga ako kay Elon Musk.  Tapos, nag-pizza ako sa pizzeria.  Malimit doon si Rose na tindera.  Sa pauwi kong lakad, nakita ko si Michael na Danes-Pranses, at pinag-usapan namin ang kulay ng langit na sabi kong mas madilim na asul sa disyerto ng Ehiptong binisita ko.

No comments:

Post a Comment