Thursday, September 1, 2022

Si Greg at ang mga Hudyo

Noong umaga nang ika-29 ng Agosto ng 2022 sa Isla Lulung kapihan, pinag-usapan namin ni Greg tungkol sa relihiyon.  Interesado siya sa mga Hudyo.  Sabi kong marami silang literatura, katulad ng Torah, Babilonyang Talmud, at Herusalem na Talmud.  Ang Talmud ay sagradong komentarya.  Sabi ko kay Greg na maraming Pilipino ay may lahing Hudyo dahil maraming Kastilang kolonista ay mga "converso" o kaya Kripto-Hudyo o mga anak o apo ng mga ito.  Ang mga Kripto-Hudyo ay tinatago ang relihiyon nila, at Romano Katoliko sila sa labas.  Sabi ni Greg na ang pinakaunang relihiyon ay Hudaismo, pero sabi ko naman ay Animismo iyon, ang ugat ng Hudaismong dumaan pa sa Henoteismo, yaong paniwalang may diyos na sarili ang tribu ng tao, pero may ibang diyos ang iba-ibang tribu.  Sabi ni Greg na katulad sa Islam, ang Diyos sa Hudaismo ay hindi bumaba sa Lupa at naging tao.  Iba ang Kristiyanismo.

No comments:

Post a Comment