Thursday, September 29, 2022

Kamiseta

Nakita ko sa kalye sa paglalakad si Michael na Danes-Pranses nitong umaga nang ika-29 ng Setyembre ng 2022, nang papunta ako sa kapihan at pizzeria.  Napuna ko ang kamisetang kulay-abo niyang may larawan ng Amerindiyo sa harapan.  Sabi niyang kumupas na raw ang kulay.  Sabi kong nag-order ako sa Sapot ng isang kamisetang kulay-dayap na may hepeng Amerindiyo sa harapan.  "Neon!" ang sabi ni Michael.

No comments:

Post a Comment