Nitong mga araw, madalas ako sa kapihang Istarbak at umiinom ako ng mga espesyal na inuming pang-otonyo na. Nitong ika-2 ng Setyembre ng 2024, dumating sa bahay namin sa Isla Lulu ang Tita Vivian kong pinsan ng Mama. Natatandaan ko ang mga istorya niya dati sa mga biyahe niya sa Gresya para makita niya ang aming mga kamag-anak na Griyego roon. Apo sa talampakan ako ni Lolo Dimitri, yaong mukhang bampira sa Gresya. Apo sa tuhod ako ni Lolo Andrés mula sa Gresya. Pumunta siya sa Pilipinas. Ngayong gabi, iniistorya ng Tita Vivian ang mga biyahe niya sa Hapon. Ilang taon na ang lumipas na naranasan niya ang Landas ni Bashō, yaong bantog na manunula ng haiku sa Hapon. May mga estatwa, kawayan, bundok, templo, at mga ibang bagay ng Kalikasan at gawa ng tao. May dalang natirang dimsam ang Tita Vivian ngayong gabi. Kinain ko ang dalawang Siu Mai at isang Har Gow.
No comments:
Post a Comment