Thursday, October 6, 2022

Banana Republic

Nakita ko si Rod sa lakad pabalik galing sa Isla Lulung pizzeria nitong umaga nang ika-6 ng Oktubre ng 2022. Nakakamiseta siyang kulay-abo. Magkakamping daw silang mag-asawa sa Squamish. Tinanong ko kung may mga bagong libangan siya sa kanyang retiro. Binebeybi lamang daw niya ang treyler nila. Nagpuputol ng mga halaman, tulad ng blakberi nila. May puno silang tsering hindi nakakain ang bunga, dahil ornamental lamang ang mga bulaklak. Lumakad pa akong pupuntang bahay, at nakita ko ang kapitbahay kong Kantones na si Shermang papasok sa trak niyang bitbit ang isang bag na kulay-abong "Banana Republic." Tinanong niya kung gaanong katagal ang paglalakad ko. Sabi kong mga 17 minuto sa isang daan.

No comments:

Post a Comment