Noong ika-16 ng Oktubre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang ugat ng Budismo at Shinto ng Hapon. Sabi niyang ang Budismo at Shinto ay may ugat sa Hinduismo. Tama siya tungkol sa Budismo, pero sabi ko sa kanyang mas may probabilidad na ang Shinto ay may ugat sa mga tribu sa Siberya noong mas antigong panahon. Alam niyang may impluwensiya na ng Budismo ang Shinto sa Hapon, katulad ang Daoismo sa Tsina.
Noong ika-16 ng Oktubre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang katangian ng Diyos. Sabi ko, sa akin, kung may Diyos, hindi iyon parang taong may mga mababang emosyon ng mga parang mas mababang nilalang. Wala yaong emosyong nagseselos, nagagalit, at mga ganoon. Sa akin, ang Diyos ay parang espasyo, ilaw, hangin, at mga ganoon. Hindi parang tao ang binigyang diin ko. Hindi ko nabanggit kay Greg na baka parang may mga "nibel" ang mga "diyos"—kung iyon ang tamang terminolohiya. Baka nga may mga mas mataas na nilalang na parang "diyos" o hindi talaga "diyos."
Noong ika-16 ng Oktubre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang katangian ng Diyos. Ang "tunay" na Diyos daw sa kanya ay ang Abrahamikong Diyos. Sabi kong sa Budismo, walang Master na Diyos, at ang mga diyos ay kinakabilangan nang malawak na ekolohiyang kasama na ang mga hayop, halaman, demonyo, anito, tao, monstro, at iba pa. Sa Budismo, puwede ang taong ateista o teista dahil hindi talaga sentro ang Diyos sa relihiyong ito, hindi tulad sa ibang relihiyon. Iba ang kategorya ng mga "buddha" at mga "deva" o diyos, at iba ang terminolohiya. Sa mga Animismo, sabi ko, tulad ng Shinto ng Hapon at Daoismo ng Intsik, ang mga bagay sa Kalikasan ay may kaluluwa—ang mga hayop, halaman, bato, buwan, araw, ulap, hangin, pangalan, tunog, at iba pa. Sa Saksi ni Jehova, denominasyong Kristiyano, wala ang Trinidad, at si Hesus ay hindi raw diyos sa Lupa, pero naging diyos muli sa Langit. Sa Saksi ni Jehova, si Satanas ay diyos din. Parang may politeismo, pero hindi eksplisito. Nagugulat si Greg na Baptista, ibang denominasyong Kristiyano...
No comments:
Post a Comment