Mga iba pang wikang kaunting napag-aralan ko ay ang Indones, Hebreo, Arabe, Samoano, Pinlandes, Suweko, Klasikong Nahuatl, Klasikong Maya, Yukatekong Maya, Haida, Inuktitut, Sanskrit, Pali, Toki Pona, Klingon, Swahili, Yoruba, Tibetano, Malagasy, Elefen, Volapük, Welsh, at iba pa. Mukhang marami, pero binabasa ko ang mga preysbuk at mga siyentipikong dokumentong parang magasin o diyaryo sa akin nang maraming taon na. Libangan ko kasi, obsesyon kaya nang matagal. Noong nasa Paris ako sa hotel nang 2004, may dalang preysbuk at diksiyonaryo ako ng Indones na binabasa ko dahil gusto ko sanang magbasa ng mga Harry Potter sa Indones. Yaong kaibigan kong Hapong si Takahashi-san ay nagbabasa ng mga Harry Potter para matutunan niya ang Ingles. Sa bakasyon ko noong hayskul, tinikman kong mag-aral ng Arabe dahil sa impluwensiya ng seryeng Dune na sinulat ni Frank Herbert.
No comments:
Post a Comment