Saturday, September 25, 2021

JUICE

Alam kong hindi lamang "babae" ang Europa.  May JUICE (Jupiter Icy Moons Explorer) ng ESA (European Space Agency).  Ang sasakyang robotikong pangkalawakan ay aalis ng Tiyera sa Agosto ng 2022 at dadating sa Jupiter sa Hulyo ng 2031 para pag-aralan ang mga buwan ng Jupiter:  Ganymede, Callisto, at Europa, pero hindi sa mabulkang Io.  Ganoon ang plano.  Ang bilang ng mga buwan ng Jupiter ay 79 ngayon (2021), at baka mayroon pang iba.

No comments:

Post a Comment