Thursday, September 23, 2021

Bob

Natagpo ko noong ika-23 ng Setyembre ng 2021 si Bob na kapatid ni George, yaong Tsipreng Griyegong kapitbahay ko sa Isla Lulu.  (Haponesa ang asawa ni George, si Chika.)  Bumibisita si Bob sa pamilya dahil sa kamatayan ni Thasso, ang ama nila at asawa ni Nikki, dahil sa coronavirus.  Sabi ko kay Bob, natatandaan ko noong maliit na bata pa silang nagbibisikleta ni George sa pook namin.  Binanggit kong masarap ang "fish and chips" sa London.  Nakatira raw siya sa isang nayong malapit sa York sa norteng Inglatera.  Sabi ko'y maganda sa Lumang Mundo at matagal ko nang nais tumira sa Lumang Mundo.  Manedyer pangkompyuter daw si Bob sa Inglatera.  Tungkol daw sa programasyon ng mga "obheto."

No comments:

Post a Comment