Friday, June 24, 2022

Yaring Shenzhen

Sa pizzeria nitong umaga sa Isla Lulu, nakita ko ang isang Tsinang nanay at ang kanyang babaeng anak na dalawa at kalahating taong gulang.  Nakaitim ang nanay.  At nakakulay-rosas ang bata.  Kumakain sila ng pizza.  Si Rosa namang tinderang Pilipina roon ay naghanda ng Griyegong pizzang may kesong fetang kinain ko.  Kinausap ko ang mag-ina.  Sabi ng Tsinang nag-aaral daw siya ng Bibliya sa Mandarin, pero parang wala pa siyang sektang pinili.  Taga-Shenzhen siya.  Sabi ko'y mas parang Budista ako.  Marunong siya ng Mandarin, Kantones, at Ingles.  Mandarin ang pag-usap niya sa anak.  Hindi niya gusto siyang mag-Kantones.  Tagahilagang parte ng Tsina ang asawa niyang Mandarin lamang ang alam.  Sabi niya, "mas mabuti" raw ang Mandarin.

No comments:

Post a Comment